Shrimp Bisque

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ kutsara mantika
½ kutsarita tinadtas na bawang
¼ tasa tinadtad na sibuyas
¼ kilo ulo ng hipon
¼ tasa tinadtad na carrot
¼ tasa tinadtad na celery
¼ tasa tinadtad na leeks
1 kutsara tomato paste
12 tasa sabaw ng isda
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
¼ tasa cream
¼ tasa brandy
¼ tasa whipped cream
½ tasa hiniwang hipon, binanlian

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Paglambot ay isama ang mga ulo ng hipon, carrots, celery at leeks.
  3. Sangkutsahin hanggang pumula ang mga ulo.
  4. lhalo ang tomato paste at lutuin ng 2 minuto.
  5. Ibuhos ang sabaw.
  6. Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy at isalang pa ng 2 oras.
  7. Palamigin.
  8. Gilingin sa food processor o blender hanggang pumino.
  9. Salain at isalin sa ibang kaserola.
  10. Pakuluin uli bago timplahan ayon sa panlasa.
  11. Ihalo ang cream at kaunting brandy.
  12. Paghain ay paibabawan ng whipped cream at hipon.