Saging na Pastillas

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo saging na saba
1 buo mantikilya
3 guhit asukal (o 300 gramo)

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluan ang hinog na sabang saging. Hiwain sa sukat na 3 sentimetro ang lapad.
  2. Lagyan ng ½ tasang tubig sa bawat 2 tasang hiniwang saging at haluin ng maigi.
  3. Paghaluin ang asukal at saging sa kawali. Hayaang maluto sa mahinang apoy.
  4. Haluin ng pantay. Ilipat sa mixing bowl na may waxed paper.
  5. Patagin at pagulungan ng rolling pin hanggang magining 1 sentimetro na lang ang kapal.
  6. Lagyan ng mantikilya at budburan ng asukal. Hiwain ng 4 sentimetro x 1 sentimetro kada piraso.
  7. Palamigin bago balutin sa cellophane.