Repolyo Guisado

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 ulo repolyo, ginayat (hiwain ng manipis at mahaba)
2 kutsara mantika
3 butil bawang, tinadtad
½ tasa hiniwang sibuyas
½ tasa hiniwang kamatis
½ tasa hiniwang karne ng baboy
¼ tasa binalatang hipon
1 tasa katas ng hipon
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Hayaang lumambot at pagkatapos ay idagdag ang karne.
  3. Papulahin.
  4. Isama ang hipon at ang katas.
  5. Pakuluin at saka ilagay ang repolyo.
  6. Timplahan ayon sa panlasa.
  7. Lutuin hanggang lumambot ang gulay.