Ratatouille

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

¼ tasa olive oil
1 kutsara tinadtad na bawang
½ tasa hiniwang pakuwadradong sibuyas
1 tasa inapat na kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago apatin)
½ tasa hiniwang pakuwadradong zucchini
½ tasa hiniwang pakuwadradong talong
½ tasa hiniwang pakuwadradong siling pula
½ tasa hiniwang pakuwadradong siling berde
¼ tasa tomato paste
½ tasa sabaw ng manok
1 dahon laurel
1 kutsara oregano
1 kutsara tinadtad na dahon ng basil
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Sangkutsahin.
  3. Isama ang mga gulay at tomato paste.
  4. Lutuin ng 2 minuto.
  5. Isama ang natitirang mga sangkap.
  6. Timplahan.
  7. Lutuin pa ng 5 minuto.