Puree of Tomato Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kutsara mantika
1 kutsara tinadtad na bawang
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 kilo mapupulang kamatis (balatan, tanggalan ng buto at tadtarin)
1 kutsara tomato paste
½ tasa tinadtad na celery
½ tasa tinadtad na carrot
4 tasa sabaw ng manok
2 kutsara asukal
½ kutsara asin
½ kutsara paminta
1 kutsara tinadtad na sariwang basil
1 kutsarita tuyong basil


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Isama ang kamatis, tomato paste, carrots at celery.
  3. Sangkutsahin. Ibuhos ang sabaw ng manok.
  4. Timplahan ng asukal, asin, paminta at basil.
  5. Bahagyang palamigin.
  6. Gilingin sa blender hanggang pumino.
  7. Ibalik sa kaserola at painitin muli.
  8. Paghain ay palamutian ng cream, croutons at tinadtad na parsley.