Pumpkin Curry Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 ½ tasa sabaw ng manok
2 ½ tasa gatas
1 tasa hiniwang pakuwadradong kalabasa
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
½ kutsarita curry powder
½ tasa gata
½ kutsara tinadtad na sibuyas na mura

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa kaserola, ilagay ang sabaw ng manok at gatas.
  2. Isama ang kalabasa at pakuluin.
  3. Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang kalabasa.
  4. Gilingin sa food processor o blender hanggang pumino.
  5. Ibalik sa kaserola at pakuluin.
  6. Timplahan.
  7. Isama ang curry powder at gata.
  8. Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto
  9. Kung kinakailangan, palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  10. Paibabawan ng sibuyas na mura.