Potage Crecy

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kutsara mantikilya
½ tasa tinadtad na sibuyas
½ kilo carrot, hiniwang pakuwadrado
2 tasa sabaw ng manok
½ kutsarita asukal
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
4 tasa gatas
¼ tasa tinadlad na parsley
¼ tasa whipped cream

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
  2. Isama ang carrots at sabaw.
  3. Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang carrot.
  4. Timplahan ng asukal, asin at paminta.
  5. Palamigin.
  6. Gilingin sa blender hanggang pumino.
  7. Isalin sa ibang kaserola at pakuluin uli.
  8. Idagdag ang gatas at lutuin pa ng 5 minuto.
  9. Paibabawan ng parsley at cream.