Pork with Prune and Apple Stuffing

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ½ kilo buong lomo ng baboy
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla
¼ tasa tainadtad na bawang
4 kutsara mantikilya
¼ tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa tinadtad na celery
2 tasa breadcrumbs
1 ½ tasa hiniwang prunes (wala ng buto)
2 tasa hiniwang pakuwadradong mansanas
1 kutsarita asin
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hiwain ang lomo ng manipis na manipis hanggang lumapad na parang pang-morcon.
  2. Timplahan ng asin, paminta at bawang. Itabi pansamantala.
  3. Sa isang kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas at celery.
  4. Ihalo ang breadcrumbs.
  5. Alisin sa apoy at ihalo ang prunes, mansanas, asin at paminta.
  6. Ikalat ito sa ibabaw ng karne.
  7. Igulong ang karne para sumara at pagkatapos ay talian.
  8. Ilagay sa isang baking pan at lutuin sa oven na pinainit sa 450°F hanggang lumambot.
  9. Palamigin bago tanggalin ang tali at hiwain.