Pork Goulash

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ½ kilo karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
¼ tasa mantika
¼ tasa clarified butter
1 kutsara tinadtad na bawang
1 tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa tomato paste
1 kutsara Hungarian paprika
2 tasa brown sauce
½ tasa brown stock
10 piraso patatas, hiniwang pakuwadrado
10 piraso carrots, hiniwang pakuwadrado
¼ tasa ginadgad na balat ng lemon
1 kutsarita mantikilya, hinalo sa
1 kutsarita caraway seeds

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang karne ng asin, paminta at paprika.
  2. Papulahin sa mainit na mantika.
  3. Isantabi sa pinggan.
  4. Idagdag ang clarified butter sa kaserola at papulahin ang bawang.
  5. Isama ang sibuyas, tomato paste at paprika.
  6. Sangkutsahin.
  7. Ihalo ang brown sauce, brown stock at ang tinabing karne.
  8. Pakuluin.
  9. Hinaan ang apoy, timplahan at lutuin pa ng 45 minuto o hanggang lumambot ng husto ang karne.
  10. Ihalo ang patatas at carrots.
  11. Lutuin hanggang lumambot.
  12. Bago ihain, ihalo ang balat ng lemon at ang pinaghalong mantikilya at caraway seeds.