Pork Cordon Bleu Choron

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ½ kilo lomo ng baboy, hiniwa sa 10 bahagi
10 hiwang hamon
10 hiwang keso
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla
¾ tasa arina
2 piraso itlog, binati
1 tasa breadcrumbs
¼ tasa mantika pamprito
¾ tasa Bearnaise o Hollandaise sauce
5 kutsarita tomato paste

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pukpukin ng mallet ang bawat hiwa ng karne hanggang numipis at lumapad.
  2. Hatiin sa dalawang bahagi.
  3. Budburan ng kaunting asin at paminta.
  4. Maglagay ng hiwa ng hamon at keso sa 10 hiwa ng karne.
  5. Takpan ng nalalabing mga hiwa ng karne.
  6. Pabalutan ng arina ang mga pinalamang karne at igulong sa binating itlog.
  7. Igulong uli sa breadcrumbs.
  8. Magpainit ng mantika at prituhin ang mga karne hanggang maluto.
  9. Paghaluin ang Beamaise o Hollandaise sauce at tomato paste.
  10. Ihaing kasama ng piniritong karne.