Pork Chops Pizzaiola

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

10 piraso pork chop (tinanggalan ng sobrang taba)
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
2 kutsara mantika
2 kutsara olive oil
2 kutsara tinadtad na bawang
½ tasa tinadtad na sibuyas
¼ kilo kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago tadtarin)
½ tasa red wine
½ tasa brown sauce
1 kutsarita tuyong basil
½ kutsarita oregano
1 dahon laurel
½ tasa button mushrooms, inapat
½ tasa hiniwang julienne na siling berde
5 piraso black olives, inapat
½ tasa ginadgad na mozzarella cheese

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang mga pork chops ng asin at paminto.
  2. Lutuin sa kaunting mantika hanggang lumambot.
  3. Itabi.
  4. Sa isang kawali, painitin ang olive oil at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  5. Sangkutsahin.
  6. Ihalo ang red wine, brown sauce, basil, oregano at laurel.
  7. Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
  8. Timplahan.
  9. Isama ang mushrooms, sili at olives.
  10. Lutuin pa ng ilang minuto.
  11. Iayos ang mga pork chops sa isang baking pan.
  12. Ibuhos ang nalutong sarsa.
  13. Budburan ng ginadgad na keso.
  14. Isalang sa oven hanggang matunaw ang keso.