Pichi-pichi

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 tasa ginadgad na kamoteng kahoy o cassava
2 tasa asukal
2 tasa sabaw ng pandan
1 tasa kinudkod na niyog

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin ang kamoteng kahoy, asukal at sabaw ng pandan.
  2. Ibuhos sa mga lyanera.
  3. Pasingawan ng 45 minuto o hanggang mabuo.
  4. Palamigin.
  5. Ihugis na parang bola-lola na nais na laki.
  6. Igulong sa kinudkod na niyog.