Picadillo

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search


Sangkap[baguhin]

2 kutsara mantika
3 butil bawang, tinadtad
1 piraso sibuyas, tinadtad
3 piraso kamatis, tinadtad
1 tasa giniling na karne ng baboy
5 tasa tubig
3 piraso patatas, hiniwang pakuwadrado
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin sa isang kaserola ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Idagdag ang giniling at papulahin.
  3. Ibuhos ang tubig at hayaang kumulo.
  4. Idagdag ang patatas at lutuin hanggang lumambot.
  5. Timplahan ayon sa panlasa.