Peanut Brittle

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa asukal
¼ kutsarita baking soda
¾ tasa tinustang mani
1 kutsara mantikilya
1 kutsarita vanilla

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pahiran ng mantikilya ang isang malaking sangkalan at rolling pin. Itabi.
  2. Arnibalin (caramel) ang asukal sa kawali.
  3. Hinaan ang apoy at idagdag ang baking soda at mani.
  4. Haluin ng maigi.
  5. Isama ang mantikilya at vanilla.
  6. Ibuhos ang nalutong sangkap sa sangkalan.
  7. Padaanan ng rolling pin habang mainit hanggang numipis.
  8. Hiwain sa nais na laki.
  9. Palamigin at ilagay sa mga garapon.