Pastillas de Gabi

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 tasa murang gabi, laga na at tinadtad
1 lata gatas na kondensada (300 mL)
1 tasa pinung asukal (confectioner's sugar)
½ tasa asukal (ordinaryo)

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin ang gabi at gatas sa kondensada at iblender hanggang maging pino.
  2. Ilagay sa kawali at iluto sa mahinang apoy.
  3. Pag malapot na, ilagay ang pinung asukal (confectioner's sugar)
  4. Ituloy ang pagluluto hanggang sa ito ay halos manuyo na.
  5. Isalin sa bandehado na pinahidan ng mantikilya. Hiwain sa nais na laki.
  6. Pagulungin sa asukal (ordinaryo).
  7. Ihain o ibalot sa cellophane.