Pan-Fried Fish Fillet Picasso

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

10 piraso fish fillet
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
¼ tasa katas ng lemon
½ tasa arina
¼ tasa clarified butter
½ tasa mantikilya, pinalambot
½ tasa hiniwang sibuyas
½ tasa hiniwang Julienne na siling pula
½ tasa hiniwang Julienne na siling berde
3 piraso hinog na saging, hiniwa
1 piraso maliit na mansanas, hinwang pakuwadrado
tasa pasas
¼ tasa tinustang almond flakes

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang isda ng asin, paminta at katas ng lemon.
  2. Itabi ng ilang minuto.
  3. Tuyuin at pabalutan ng arina.
  4. Painitin ang clarified butter at prituhin ang isda hanggang maluto.
  5. Sa hiwalay na kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  6. Isama ang mga sili, saging, mansanas, pinya at pasas.
  7. Lutuin ng ilang minuto.
  8. Iayos ang isda sa pinggan.
  9. Ikalat ang ginisang prutas sa ibabaw nito.
  10. Paibabawan ng almond flakes.