Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Puree of Split Pea Soup

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 tasa split peas
1 kutsara mantika
¾ tasa hiniwang bacon
½ tasa tinadtad na sibuyas
1 kutsarita tinadtad na bawang
1 tasa tinadtad na celery
10 tasa sabaw ng manok
1 dahon laurel
1 kutsarita asukal
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Hugasan at ibabad ang split peas sa tubig ng 3 oras. Patuluin.
  2. Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bacon, sibuyas, bawang at celery.
  3. Ibuhos ang sabaw ng manok kasama ng split peas at laurel.
  4. Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy at isalang ng 2 ½ hanggang 3 oras o hanggang lumambot ang split peas.
  5. Palamigin at pagkatapos ay gilingin sa blender hanggang pino.
  6. Ibalik sa kaserola at lutuin uli hanggang medyo lumapot. Timplahan.
  7. Maari itong ihain na pina-ibabawan ng sour cream at tinadtad na bacon.

[[Category: Sopas]