Pagluluto:Inihaw na Talakitok

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search
Inihaw naTalakitok

Mga Sangkap[baguhin]

  • 1 1/2 sariwang talakitok
  • 1 kutsritang asin
  • 1 pirasong kamatis
  • 1 katamtamang laki na sibuyas
  • 1 katamtamang laki na luya
  • 1/8 teaspoon pamintang durog


Paraan ng Pagluto[baguhin]

  1. Hugasang mabuti at linisin ang talakitok.
  2. Tadtarin ang luya at sibuyas, hiwain ang kamatis ng maliliit, at ihalo ang paminta sa rekado na palaman.
  3. Pahiran ng asin ang laman ng talakitok, at ilagay ang pinag haluhalong rekado sa tiyan ng isda.
  4. Magpabaga ng ulingo ihanda ang electric griller para ihawin ang isda.
  5. Ihawin ito ng 10 minuto at baliktarin, bantayan hanggang sa maluto.
  6. Ihain na may kasamang sawsawan.