Nilupak na Saging

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

4 tasa hilaw na saging, niluto at binayo
½ tasa pulang asukal
2 tasa kinudkod na niyog, katamtaman ang tigas
½ kutsara banilya

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin lahat ng sangkap at bayuhin muli.
  2. Haluing mabuti ang lahat ng sangkap.
  3. Ilagay sa isang lalagyan at hiwain ayon sa gustong itsura.