Nilagang Gulay

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

¼ tasa harina
1 kutsara asin
1 kutsarita paprika
4 tasa gluten, hiniwa-hiwa ng 1 pulgada
2 tasa tokwa, kinuadradong maliit
1 katamtamang laki na sibuyas, ginayat
2 butil bawang
1 kutsarita asukal
1 kutsara katas ng kalamansi
3 ½ tasa tubig
6 katamtamang laki carrot, hinati
1 tasa kintsay hiniwa-hiwa
8 katamtamang laki ng patatas, hinati
8 buo maliit na puting sibuyas

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin ang unang apat na mga sangkap; pagulungin ang glulen sa timplada.
  2. Papulahin ng maganda ang lahat ng panig sa 3 kutsaritang mainit na mantika.
  3. Idagdag ang ginayat na sibuyas, bawang, katas ng kalamannsi at tubig.
  4. Takpan at painilin (huwag pakuluin) sa loob ng 20-30 minuto.
  5. Idagdag ang gulay, takpan at lutuin hanggang lumambot na ang lahat ng gulay.