Tagalog/Pandiwa: Pagkakaiba sa mga binago

Mula Wikibooks
Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
Felipe Aira (usapan | ambag)
Linya 309: Linya 309:
Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.
Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.
::Halimbawa:
::Halimbawa:
::::Ang lamesa ay '''''pinunasan''''' ni Coche ng basahan.
::::Ang lamesa ay '''''pinunasan''''' ni Coche <u>ng basahan</u>.


====Direksyon====
====Direksyon====

Pagbabago mula noong 10:04, 24 Nobyembre 2008

Ang Pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa o kalagayan. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.

Mga kaukulan

Palikas

Ito ay ipinalalagay na ang kalikasan ang simuno.

Halimbawa:
Umaaraw kanina.
Natsunami ang Indonesia.

Katawanin

Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.

Halimbawa:
Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.

Palipat

Ito ay may simuno at tuwirang layon.

Halimbawa:
Naglinis ng kwarto si Delia.

Mga aspeto

Naganap

Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa:
Nagdeposito ng pera sa bangko si Juan.

Nagaganap

Ito ay ang pagkilos ay nasimulan na ngunit hindi pa tapos.

Halimbawa:
Natutulog siya habang nakahiga sa kama.

Gaganapin

Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.

Halimbawa:
Kakain si Jun sa carinderia.

Mga tinig

Tahasan

Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan noong 1892.

Balintiyak

Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang pagtatatag ng katipunan ay pinasimulan ni Andres Bonifacio.

Kailanan

Isahan

Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa:
Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.

Maramihan

Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa:
Ang mga aso ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing gabi.

Mga panlaping makadiwa

Panlaping banghayin

Ito ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi nagbabago ang salitang-ugat.

isa, maki, magka, maging, magsa, suma
Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap
magbigay nagbigay nagbibigay magbibigay
magsagawa nagsagawa nagsasagawa magsasagawa

Panlaping makabanghay

Ito ay kapwa nababanghay ang panlapi at salitang-ugat na nilalapian.

Um Ma i, in, o hin Ka-an Ma-an
mag Maka An o han mang Ma-in
Pa-an Pag-an Pag-in
Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap
lumilipad lumipad lumilipad lilipad
tumatakbo tumakbo tumatakbo tatakbo

Pagbabanghay

Pandiwa sa Ma

Ito ay nagsasaad ng kasadyaan o ikaaari.

mauna
nauna
nauuna
mauuna

Pandiwa sa Ipa

Ito ay nagsasaad ng utos o mungkahi.

ipaabot
ipinaabot
ipinapaabot
ipaaabot
ipaigib
ipinaigib
ipinapaigib
ipaiigib

Pandiwa sa Ipag

Ito ay nagbibigay ng utos o pakiiisap.

ipagbili
ipinagbili
ipinagbibili
ipagbibili

Pandiwa sa Mag

Ito nagbibigay diwa sa pagganap.

magsabi
nagsabi
nagsasabi
magsasabi

Pandiwa sa Maki

Ito ay nagsasaad ng pakikisama sa gawa.

makibagay
nakibagay
nakikibagay
makikibagay

Panlaping Mapa

Ito ay nagbabadya ng maaaring maganap.

mapabuti
napabuti
napapabuti
mapapabuti

Panlaping Magka

Ito ay ginagamit para sa di-kusang pagkilos.

magkasundo
nagkasundo
nagkakasundo
magkakasundo

Panlaping Magsi

Ito ay para sa sabay-sabay na pagkilos.

magsikain
nagsikain
nagsisikain
magsisikain

Panlaping Maka

Ito ay nagsasaad ng kasadyaang pagkilos.

makatakas
nakatakas
nakakatakas
makakatakas

Panlaping Magsa

Ito ay nagsasaad ng magkatulad na pagkilos.

magsadula
nagsadula
nagsasadula
magsasadula

Mga pandiwang walang-banghay

Ipinagaalinlangan ang katumpakan ng seksyong ito. Sumali sa usapan upang mapabuti ang babasahing ito.

Ang pandiwang walang banghay ay hindi nagbabago kahit saan mang aspeto.

Ay

Ito ay tagatulong ng pandiwa at nagdurugtong sa simuno at panaguri. ::Halimbawa:

Ang aso ay tumatakbo sa bakuran.

May

Ito ay sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pang-abay, pandiwa, panghalip panao at panlukoy na mga.

Halimbawa:
May mga bagong tauhan si Manuel.

Mayroon

Ito ay sinusundan ito ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo.

Halimbawa:
Mayroon kaming bagong tindang damit.

Hala

Ito ay ginagamit kung ang diwang pinapahayag ay nakikiusap o nagbababala.

Halimbawa:
Hala ka, huli ka na.
Hala, mauna na kayo.

Mga pandiwang di-karaniwan

Maykaltas

Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.

Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)

Maylipat

Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.

Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)

Maypalit

Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.

Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)

Maypungos

Ito ay kapag may nabawas na titik sa unahan ng salita.

magpasabi (pasabi) magpasulat (pasulat)

Pagkakaisa ng simuno at pandiwa

  • Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang isahan din.
Halimbawa:
Si Tonio ay naglalakbay sa kahabaan ng Edsa.
  • Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang maramihan din.
Halimbawa:
Si Tonio at Juan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.

Pokus ng Pandiwa

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.

Tagaganap

Ang simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Si Miling ay bumili ng kotse.

Layon

Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.

Halimbawa:
Ang basura ay ipinatapon ko na.

Ganapan

Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.

Halimbawa:
Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.

Tagatanggap

Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.

Halimbawa:
Ipagsasalok mo ng tubig ang bisita.

Gamit

Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.

Halimbawa:
Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.

Sanhi

Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.

Halimbawa:
Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

Direksyon

Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.

Kaganapan

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.

Tagaganap

Ito ay ang bahagi ng panag-uri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Leny at Arnel.

Layon

Ito ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.

Halimbawa:
Sumasayaw ng tinikling ang mga naga nayon.

Tagatanggap

Ito ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.

Ganapan

Ito ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nag-aararo sa bukid ang ama ni Vanessa.

Kagamitan

Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang lamesa ay pinunasan ni Coche ng basahan.

Direksyon

Ito ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,

Halimbawa:
Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta .

Mga gamit ng pangngalang pandiwa

Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.

pag + sukat = pagsukat
pag + tulong = pagtulong

Bilang simuno ng pangungusap

Halimbawa:
Ang pagtulong sa kapwa ay pinagpapala.

Bilang tuwirang layon sa pandiwa

Halimbawa:
Si Bitoy ay mahilig sa paglalaro.

Bilang kaganapang pansimuno

Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.

Bilang di-tuwirang layon

Halimbawa:
Si Andrew ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Ingles.

Bilang layon sa pang-ukol

Halimbawa:
Ang paksa ng pag-uusap ay tungkol sa pagsugpo ng kahirapan.