Tagalog/Ponolohiya: Pagkakaiba sa mga binago
Felipe Aira (usapan | ambag) inalis ang bandalismo |
|||
Linya 47: | Linya 47: | ||
::::pang + buklod = pambuklod |
::::pang + buklod = pambuklod |
||
::::pang + panitikan = pampanitikan |
::::pang + panitikan = pampanitikan |
||
___bheee_- |
|||
====Metasis==== |
====Metasis==== |
||
Linya 54: | Linya 53: | ||
::::in + ligaw = niligaw |
::::in + ligaw = niligaw |
||
::::in + yapos = niyapos |
::::in + yapos = niyapos |
||
MGA HALIMBAWANG IDINAGDAG NG MS 1: |
|||
::::in + yakap = niyakap |
|||
::::in + lusob = nilusob |
|||
::::in + langoy= nilangoy |
|||
::::in + yanig = niyanig |
|||
====Pagpapalit ng ponema==== |
====Pagpapalit ng ponema==== |
Pagbabago mula noong 10:04, 24 Nobyembre 2008
Ang Ponolohiya o Palatunugan ay isang pag-aaral sa espesipikong tunog at mga kombinasyon nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika.
Mga Salik sa Pagsasalita
- Enerhiya — ito ay ang presyon na gawa ng pagpapalabas ng hiningang galing sa baga.
- Artikulador — ito ay pinapakatal ang mga babagtingang pantinig.
- Resonador — ito ay ang nagmomodipika ng tunog tulad ng bibig at guwang ng ilong.
Ponema
Ang Ponema ay ang makabuluhang tunog. Binubuo ng 20 ponema ang Filipino, ito ay may 15 katinig at 5 patinig.
Mga katinig
- Panlabi — B, P, M
- Pangngalangala — K, G, Ng, W, J
- Pangipin — D, N, T
- Panggilagid — L, R, S
- Pasutsot — H
Mga patinig
- A, E, I, O, U
Diptonggo
Ang Diptonggo ay ang mga patinig na may karugtong na malapatinig na w at y.
- Ito ay:
- aw
- ay
- ey
- iw
- oy
- uy
- Halimbawa:
- araw, pakay, reyna sisiw, kahoy, kasuy
- Halimbawa:
Morpolohiya
Ang Morpolohiya (palabuuan) ay ang pag-aaral ng mga morpema at pagbubuklod nito para makabuo ng salita.
Morpema
Ang Morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan, maaaring salitang ugat o panlapi.
Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Asimilasyon
Ito ang pagbabago sa huling posisyon dahil sa impluwensya ng karugtong na ponema. Kapag ang ponemang pang ay idinugtong sa salitang-ugat na nagsisimula sa b at p nagiging m ang n.
- Halimbawa:
- pang + buklod = pambuklod
- pang + panitikan = pampanitikan
- Halimbawa:
Metasis
Ito ay ang salitang-ugat na naguumpisa sa L, O at Y, pag diriagdagan ng panlaping in ay nagkakapalit ng posisyon.
- Halimbawa:
- in + ligaw = niligaw
- in + yapos = niyapos
- Halimbawa:
Pagpapalit ng ponema
Ito ay ang kung ang ponema ay nasa unahan ng salitang nagsisimula sa d, karaniwang pinapalitan ito ng ponemang r kung ang huling ponema ng unlapi ay patinig.
- Halimbawa:
- ma + dami = marami
- ma + diin = mariin
- Halimbawa:
Paglilipat diin
Ito ay ang nagbabago ng diin ang mga salita kapag nilalapian.
- Halimbawa:
- bilang + in = bilangin
- tago + an = taguan
- Halimbawa:
Pagkakaltas ng ponema
Ito ay ang nangyayari pag ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kung nilalagayan ng hulapi.
- Halimbawa:
- takip + an = takipan = takpan
- sara + han = sarahan = sarhan
- Halimbawa:
Kayarian ng mga Salita
Payak
Ito ay ang salitang-ugat lamang.
- Halimbawa:
- basa, tulog, init
- Halimbawa:
Inuulit
Ito ay kung inuulit ang kabuuan nito ang isa o higit pang patinig. Dalawa ang uri ng pag-uulit.
Pag-uulit na ganap
Ito ay ang inuulit ang salitang-ugat.
- Halimbawa:
- araw-araw
- gabi-gabi
- Halimbawa:
Pag-uulit na di-ganap
Ito ay ang inuulit ay bahagi lamang ng salita.
- Halimbawa:
- kakanta
- lalakad
- lulundag
- Halimbawa:
Maylapi
Ito ay binubuo ng salitang-ugat na may isa o higit pang panlapi.
Unlapi
- Halimbawa: inalis
Hulapi
- Halimbawa: takbuhan
Gitlapi
- Halimbawa: kumanta
Kabilaan
- Halimbawa: nagsayawan
Tambalan
Ito ay ang dalawang salita na pinagsasama upang makabuo ng bagong salita.
- Halimbawa:
- bahag + hari = bahaghari
- Halimbawa: