Tagalog/Pang-uri: Pagkakaiba sa mga binago

Mula Wikibooks
Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
m Reverted edits by 122.53.5.24 (Talk) to last version by 58.71.115.7
Linya 48: Linya 48:





==Kailanan ng Pang-uri==
====Isahan====
Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.
::Halimbawa:
::::'''''Kaibigan''''' ko siya.

====Dalawahan====
Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.
::Halimbawa:
::::Magkasimpangit ang magkaibigan.

====Maramihan====
Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa.
::Halimbawa:
::::'''''Magkakaibigan''''' silang tatlo.
::::'''''Magkakasimbilis''''' sila sa pagtakbo.





Pagbabago mula noong 10:35, 21 Nobyembre 2008

Ang Pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.

Uri ng Pang-uri

Panlarawan

Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
  • malapalasyong bahay
  • pulang mansanas
  • bilugang mukha
  • matayog na pangarap
  • matuling kabayo
  • mainit na panahon

Pamilang

Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip.


Patakaran o Kardinal

Ito ay gamit sa bilang o dami
Halimbawa:
lima,    anim,    sandaan,    sanlibo


Panunuran o Ordinal

Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.
Halimbawa:
una,    ika-lima,    pangalawa,    ika-siyam

Pamahagi o Fraction

Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.

Halimbawa:
  • kalahati (½)
  • bahagdan (1/100)
  • kaapat (¼)

Pamilang

Ito ay iniuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay.

Halimbawa:
  • tig-apat na piso
  • tig-aanim na mansanas

Palansak

Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay.

Halimbawa:
  • dala-dalawang bata
  • pito-pitong dahon


Kailanan ng Pang-uri

Isahan

Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.

Halimbawa:
Kaibigan ko siya.

Dalawahan

Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.

Halimbawa:
Magkasimpangit ang magkaibigan.

Maramihan

Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa.

Halimbawa:
Magkakaibigan silang tatlo.
Magkakasimbilis sila sa pagtakbo.


Kaanyuan ng Pang-uri

Payak

Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang ugat.

Halimbawa:
  • basang trapo
  • sariwang gatas
  • puting sapin

Maylapi

Ito ay pang-uring likas na may panlaping ma, maka at iba pa.

Halimbawa:
  • masikip na daan
  • makataong asal

Inuulit

Ito ay ang pang-uri ay inuulit bilang pagbigay diin.

Halimbawa:
  • libu-libong salapi
  • sabi-sabi ng mga tao

Tambalan

Ito ay binubuo ng dalawang salita.

Halimbawa:
  • balat-sibuyas
  • kapit-tuko
  • tulog-mantika

Kaantasan ng Pang-uri

Lantay

Ito ay kung tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na tinuturingan.

Halimbawa:
  • mayamang lahi
  • masipag na ama

Pahambing

Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.

Magkatulad

Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing

Halimbawa:
  • kasingpalad
  • singganda
  • magkasinggaling


Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisiumula sa   d,   l,   o,   r,   s,   t   ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing.
Halimbawa:
Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang.


Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa   b,   o,   p,   alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m.
Halimbawa:
Ang kotse ni Noel ay kasimbilis ng kay Mark.


Di-magkatulad

Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad,   gaya   o   kaysa.

Halimbawa:
Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane.


Pasukdol

Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan:

  • Pag-uulit ng pang-uri na inuugnay   ng,   na   at   nang.
Halimbawa:
  • pabait nang pabait
  • mababaw na mababaw
  • pamura nang pamura
  • Paggamit ng panlaping   nag,   napaka,   pinaka,   an   at   han.
Halimbawa:
  • nagtataasan
  • napakabait
  • pinakamabait
  • Paggamit ng salitang gaya ng:   masyado,   lubha,   talaga,   at   tunay.
Halimbawa:
  • masyadong malaki
  • lubhang mainit
  • talagang mabait
  • Paggamit ng mga pariralang:   ubod ng,   reyna ng,   at   hari ng
  • hari ng yabang
  • ubod ng sipag
  • reyna ng kagandahan


Lantay
Pahambing
Pasukdol
magaling
masmagaling
higit na magaling
Pinakamagaling