Tagalog/Pangngalan: Pagkakaiba sa mga binago

Mula Wikibooks
Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
m Reverted edits by 122.2.45.228 (Talk) to last version by 124.217.60.135
Linya 170: Linya 170:
====Pagkadi-tuwirang layon====
====Pagkadi-tuwirang layon====
::Halimbawa:
::Halimbawa:
::::Siya ay nagluto ng spaghetti para sa batang bakla na si ''Daiji V. Kobayashi''.
::::Siya ay nagluto muna ng spaghetti para sa mga ''anak''.


[[Category:Tagalog|Pangngalan]]
[[Category:Tagalog|Pangngalan]]

Pagbabago mula noong 11:08, 13 Nobyembre 2008

Ang Pangngalan ay isang bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, o lunan. Samakatuwid, ito ang mga salitang ginagamit sa pagpapangalan.

Mga uri

Pantangi

Ito ay ang tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay o lunan na nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Noel, Pilipinas, Marso, Alabang

Pambalana

Ito ay ang tawag sa alinmang nasasaklaw na uri ng tao, hayop, bagay o lunan.

Halimbawa:
tindera, pusa, palaka, lapis

Kasarian

Panlalaki

Ito ay pangngalan na ukol sa lalaki.

Halimbawa:
tindero, ginoo, binata, tatay, tiyo

Pambabae

Ito ay pangngalan na ukol sa babae.

Halimbawa:
tindera, ginang, dalaga, nanay, tiya

Di-tiyak

Ito ay maaaring iukol sa lalaki o babae.

Halimbawa:
artista, presidente, pulis, dentista, guro

Walang kasarian

Ito ay hindi panlalaki o pambabae.

Halimbawa:
bote, bola, sapatos, libro, kotse

Kalikasan

Likas

Ito ay ang katutubong salita, na pantawag sa tao, hayop, bagay o lunan.

Halimbawa:
amain, aso, dagat, aklat

Likha

Ito ay ang pangngalang binuo mula sa pinagsamang salita.

Halimbawa:
salinlahi, kapitbahay, silid-aralan

Ligaw

Ito ay ang pangngalan na hiram sa dayuhang wika.

Halimbawa:
tinidor, dyip, silya, kendi

Kaukulan

Palagyo

Ito ay kapag ang pangngalan ay ginamit na simuno.

Halimbawa:
Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.

Palayon

Ito ay kapag ginagamit ang pangngalan bilang layon ng pandiwa o pang-ukol.

Halimbawa:
Ang eroplano ay lumilipad ng pataas. (Iayon ng pandiwa)
Itinago ni Manuel ang pera sa aparador (Iayon ng pang-ukol)

Paari

Ito ay kapag may inaaring anuman ang pangngalan.

Halimbawa:
Ipinakuha ni Danny ang kanyang sapatos.

Kaanyuan

Payak

Ito ay kapag ang salita ay salitang-ugat lamang ito ay tinatawag na payak.

Halimbawa:
bata, tao, ulan, init

Maylapi

Ito ay binubuo ang pangngalan ng salitang-ugat at panlapi.

Halimbawa:
kabataan, katauhan, tag-ulan, tag-init

Inuulit

Ito ay binubuo sa pamamagitan ng paguulit sa pangngalang payak o maylapi.

Halimbawa:
halo-halo, ihaw-ihaw, pita-pita

Tambalan

Ito ay binubuo ng dalawang pinagsamang salita.

Halimbawa:
silid-aklatan, bahay kalinga, dapit-hapon

Katuturan

Basal

Ito ay katutubo at nasa anyong payak na pinagbabatayan ng iba't-ibang salita.

Halimbawa:
isip, panahon, aral, aklat

Hango

Ito ay di-wagas at nasa anyong payak na pinagbabatayan ng iba't-ibang salita.

Halimbawa:
kaisipan, kapanahunan, aralan, aklatan

Lansak

Ito ay tumutukoy sa isang kalipunan o pangkat.

Halimbawa:
hukbo, pulutong, kalipunan, kapisanan

Tahas

Ito ay tiyakang tumutukoy sa bagay na pinangalanan.

Halimbawa:
bansa, dagat, langit, daigdig

Patalinghaga

Ito ay hindi tuwirang pagtukoy sa bagay na maihahambing.

Halimbawa:
bulaklak (ukol sa dalaga), paru-paro (ukol sa binata)

Kailanan

Isahan

Ito ay tumutukoy sa isa lamang tao, hayop o bagay.

Halimbawa:
ang silya, ang plantsa, ang ilaw

Dalawahan

Ito ay ukol sa dalawang tao, hayop o bagay.

Halimbawa:
dalawang aklat, pusa't aso, kina Sally at Marsha

Maramihan

Ito ay para sa higit sa dalawang tao o bagay.

Halimbawa:
limang bote, magkamaganak, sampung palito

Mga gamit

Simuno o paksa ng pangungusap

Halimbawa:
Si Emilio Jacinto ang utak ng Katipunan.

Panuring ng kapwa pangngalan

Halimbawa:
Si Jose Rizal, ang doktor, ay ipinanganak sa Calamba, Laguna.

Panaguri ng pangungusap

Halimbawa:
Si Pedro ay mabait.

Kaganapang pansimuno

Halimbawa:
Mahusay na abogado si Atty. Nonoy Hilario.

Pangngalang pantawag

Halimbawa:
Bata, pakibuhat mo nga ito.

Layon ng pang-ukol

Halimbawa:
Para kay Glenda ang singsing na ito.

Layon ng pandiwa

Halimbawa:
Ang pagluluto ng kakanin ang hanapbuhay ni nanay.

Pagkatuwirang layon

Halimbawa:
Naghugas muna siya ng pinggan bago ayusin ang mesa.

Pagkadi-tuwirang layon

Halimbawa:
Siya ay nagluto muna ng spaghetti para sa mga anak.