Tagalog/Panghalip: Pagkakaiba sa mga binago

Mula Wikibooks
Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
m Reverted edits by 120.28.163.226 (Talk) to last version by 122.2.30.48
Linya 151: Linya 151:
::::Ang mga damit na ito ay para sa '''''iyo'''''.
::::Ang mga damit na ito ay para sa '''''iyo'''''.


ang batang yun ay masunurin


====Panaguri ng Pangungusap====
====Panaguri ng Pangungusap====

Pagbabago mula noong 10:20, 14 Oktubre 2008

Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Pronoun sa wikang Ingles.

Uri ng Panghalip

Panao

Ito ay ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao.

Panauhan
Isahan
Dalawahan
Maramihan
Una
ako, ko, akin, kata
kita, amin, natin, atin
tayo, kami, naming, atin
Ikalawa
iyo, mo, ka, ikaw
kayo, inyo, ninyo
kayo, inyo, ninyo
Ikatlo
kaniya, siya, niya
nila, sila, kanila
nila, sila, kanila

Kung saan ang:

  • Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.
  • Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.
  • Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.

Pamatlig

Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng tao, bagay o lunan

Kinalalagyan
Paturol
Paari
Patulad
Pahimaton
Malapit sa nagsasalita
ito, dito
nito
ganito
eto, heto
Malapit sa kausap
iyan
niyan
ganyan
hayan, ayan
Malayo sa kausap
iyon
niyon
ganoon
hayan, ayan

Pananong

Ito ay ang panghalip na ginagamit sa pagtatanong.

ano, alin, sino, saan, anu-ano, sinu-sino


Panaklaw

Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.

anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba



Kaukulang Panghalip

Palagyo

Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.

Panauhan
Una
Ikalawa
Ikatlo
Unang Panauhan
ako
kata
kami
Ikalawang Panauhan
ka
ikaw
kayo
Ikatlong Panauhan
siya
sila
Halimbawa:
Ako ang magluluto.
Ikaw ang magluluto.
Siya ang magluluto.

Paari

Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Ito ay pauna (kung nauna sa inaari) o pahuli (huli sa inaari).

Unang Panauhan akin, ko, amin, atin, naming, natin
Ikalawang Panauhan mo, iyo, ninyo, inyo
Ikatlong Panauhan niya, kaniya, nila, kanila
Halimbawa:
(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.

Palayon

Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.

Halimbawa:
Si Jenny ay nakasakay ko.
Tinapon nila ang basura.


Mga Gamit ng Panghalip

Simuno o Paksa ng pangungusap

Halimbawa:
Ikaw ay magaling.
Ang mga damit na ito ay para sa iyo.


Panaguri ng Pangungusap

Halimbawa:
Ang pera ay kanya.
Ang bola ay kanila.


Panuring Pangngalan

Halimbawa:
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.


Ginagamit bilang Pantawag

Halimbawa:
Ikaw, umalis ka na.
Kayo, hindi ba kayo sasama?


Bilang Kaganapang Simuno

Halimbawa:
Tayo ay kakain na.
Iyan ang gagawin mo.


Bilang Layon ng Pang-ukol

Halimbawa:
Nagluluto si Diane para sa inyo.
Para sa kanila ito.


Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos

Halimbawa:
Inabutan niya sila ng pagkain.
Ang relo na binili mo ay maganda.