Tagalog/Pang-abay: Pagkakaiba sa mga binago

Mula Wikibooks
Content deleted Content added
Felipe Aira (usapan | ambag)
m Reverted edits by 119.95.246.79 (Talk) to last version by Regenerate
Linya 162: Linya 162:
:*Ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang inuulit.
:*Ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang inuulit.
:::Halimbawa:
:::Halimbawa:
:::::tawa '''''ng''''' tawa
:::::tawa '''''nang''''' tawa
:::::tulog '''''ng''''' tulog
:::::tulog '''''nang''''' tulog





Pagbabago mula noong 10:30, 3 Oktubre 2008

Ang Pang-abay ay ang salitang naglalarawan o tumuturing sa pandiwa, panguri, o isa pang pang-abay. Ito ay tinatawag na Adverb sa wikang Ingles.

Uri ng Pang-abay

Pang-abay na Kataga o Ingklitik

Ito ay sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan (kasi sana pa na tuloy pala)

Halimbawa:
Naghihintay pa sila hanggang ngayon.
Naiwan tuloy sila ng huling biyahe.

Pang-abay na Salita o Parirala

Pamamaraan

Ito ay nagsasaad ng kilos na sumasagot sa tanong na paano.

Halimbawa:
Madali niyang naluto ang pansit.

Panggaano

Ito ay sumasaklaw sa dami o sukat na isinasaad ng pandiwa at sumasagot sa tanong na: gaano?

malimit    marami    kaunti    sapat    kapos
madalang    bahagya    kainaman    lamang    kulang
Halimbawa:
Madalang niyang ginagamit ang kotse.
Malimit kaming manood ng sine.

Pang-agam

Ito ay kapag nagbabadya ng pag-aalinlangan.

Halimbawa:
Siguro hindi makakarating si Eron.
Marahil ay may pasok ngayon.

Pamanahon

Ito ay nagsasaad ng panahon o oras at sumasagot sa tanong na: kailan?

agad    kagabi    pa
maaga    matagal    na
Halimbawa:
Si Gale ay umuwi kagabi.
Matagal pa siyang darating.


Pananggi

Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagsalungat.

huwag    ayaw    aywan
hindi    'di
Halimbawa:
Huwag kang aalis ngayon.
Hindi kaaya-aya ang palabas.


Panang-ayon

Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon.

opo    talaga    tunay    walang-duda
Halimbawa:
Ang sunog ay talaga namang nakakatakot.
Walang-duda na maganda siya.


Panlunan

Ito ay nagsasaad ng lunan o kinalalagyan.

dito    doon    diyan
nariyan    naroon    narito
Halimbawa:
Doon nahulog si Miguel kanina.
Narito sa sala si Jun.

Pananong

Ito ay nagtatanong ukol sa panahon, lunan at kailanan ng pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Halimbawa:
Saan tayo magtatagpo?
Kailan tayo aalis?

Kundisyunal

Ito ay nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Maraming turista ang pupunta rito kapag nawala na ang mga terorista.

Pang-abay na Kusatibo

Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nasagasaan ang dalawang matanda dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng driber.


Benepaktibo

Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa tao dahil sa pagkakaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Magbenta ka ng bote para sa pang-almusal mo.


Hambingan ng Pang-abay

Ang mga antas ng paghahambing ng pang-abay at pang-uri ay magkatulad.

Lantay

Ito ay payak o karaniwan ang anyo ng pang-abay.

Halimbawa:
Si Carlo ay mahusay magluto ng adobo.


Pahambing

Ito ay gumagamit ng salitang lalo o higit bago ang pang-abay at sinusundan pagkatapos ng kaysa.

Halimbawa:
Si Carlo ay higit na mahusay magluto ng adobo kaysa kay Gina.


Pasukdol

Ito ay gumagamit ng panlaping pinaka sa lantay na antas ng pang-abay.

Halimbawa:
Si Lara ang pinakamahusay magluto ng adobo sa magkakapatid.


Mga Gamit ng Pang-abay

Pariralang pang-abay

Halimbawa:
Nag-eensayo siya ng mabuti.
Ayoko nang kumain.

Pariralang pang-abay na kaganapang pansimuno

Halimbawa:
Ang aming guro ay mahusay magturo.


Sugnay na pang-abay

Halimbawa:
Nakita ni Kate ang aso nang lumabas siya ng bakuran.


Wastong Gamit ng "NG"

  • Nagpapapahiwatig ng pagmamay-ari o kaukulang paari.
Halimbawa:
  • ina ng bata
  • takip ng bote
  • Ginagamit bilang pantukoy.
Halimbawa:
Naghahanda ako ng hapunan.
  • Ginagamit bilang pang-ukol.
Halimbawa:
Inayos ng mekaniko ang nasirang motor.
  • Nagpapakilala ng tuwirang layon.
Halimbawa:
Madalas maglaro ng kompyuter ang mga bata.
  • Nagpapakilala ng gumawa ng pandiwang balintiyak.
Halimbawa:
tinuruan ng guro.


Wastong Gamit ng "NANG"

  • Katumbas ng "noong"
Halimbawa:
Nang ako'y bumalik, siya'y nakaalis na.
Natuwa ang nanay nang malamang iskolar ang anak niya.
  • Ginagamit bilang pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay.
Halimbawa:
Nagsalita nang matatas ang bata.
  • Ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang inuulit.
Halimbawa:
tawa nang tawa
tulog nang tulog