Kasalukuyan
Nagkataong siyang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang tikas; putong na turbante ay kalingas-lingas, pananamit-Moro sa Persiyang S'yudad.
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, anaki'y
|
Orihinal
Nagcataón siyáng pagdatíng sa gúbat n~g isang guerrerong bayani ang ticas, putong na turbante, ay calin~gas-lin~gas, pananamit moro sa Persiang Ciudad.
Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano, anaqui ninita ng pag-pahingahán di caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan ang pica,t, adarga,t, nagdaóp ng camay.
Sacá tumin~galá,t, mata,i, itiniric sa bubóng ng cahoy na taquip sa Lan~git, estátua manding nacatayo,t, umíd, ang buntóng hinin~gá niya,i, ualang patid.
Nang magdamdam n~gauit sa pagayóng anyò, sa punó n~g isang cahoy ay umupô nag-uicang "ó palad" sabay ang pagtulò, sa matá, ng lúhang anaqui,i, palasò.
Olo,i, ipinatong sa caliuang camay at sacá tinutop, ang noó, ng canan, anaqui mayroong guinugunam-gunam isang mahalagang nalimutang bagay.
Malao,i, humilig nag ualang bahalâ dirin cumacati ang batis ng lúha, sa madláng himutoc, ay casalamuhá ang uicang "Flerida,i, tapus na ang touá".
Sa balang sandalî ay sinasabugan yaóng boóng gúbat n~g maraming ¡ay! naquiquituno sa huning mapanglao n~g pang-gabing ibon doó,i, nagtatahán.
Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat, tinangnán ang pica,t, sampo n~g calasag nalimbag sa muc-hâ ang ban~gís n~g Furias "dî co itutulot" ang ipinahayág.
"At cung cay Flerida,i, ibá ang umagao at dî ang amá cong dapat na igalang, hindî co masabi cun ang picang tan~gan bubugá n~g libo,t, lacsáng camatayan.
Bababa si Marte mulâ sa itaás sa ca-ilalima,i, áahon nang Parcas, boong galit nila, ay ibubulalàs yayacaguin niyaring camáy cong marahàs.
Sa cucó nang lilo,i aquing àagauin ang cabiyác niyaring calolouang angquín, liban na cay Amá, ang sino ma,t, alin ay dî igagalang nang tangang patalím.
¡O pag sintang labis nang capangyarihan sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao! pag icao ang nasoc sa púsò ninoman hahamaquing lahat masunód ca lamang!
At yuyuracan na ang lalong daquilá bait, catouira,i, ipan~gan~ganyaya boong catungcula,i, uaualing bahalà sampo nang hinin~ga,i, ipauubayà.
Itong quinaratnán nang palad cong linsil salamíng malinao na sucat mahalín nang macatatatáp, nang hindî sapitin ang cahirapan cong di macayang bathín.
Sa mauica itó lúhà,i, pina-agos, pica,i, isinacsac, sacá nag himutóc, nagcataón naimáng parang isinagót, ang buntóng hinin~gá, niyaóng nagagapus.
|