Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan: Pagkakaiba sa mga binago

Mula Wikibooks
Content deleted Content added
Added content
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Mayroong mga hindi tamang salita na idinagdag ng kung sino man. Itinanggal ko lang ito dahil baka magaya ito ng iba. Salamat po
Linya 29: Linya 29:


Paglalarawan
Paglalarawan

Putanginang yan eto ba yung buod? Wala namang laman e

Pagbabago mula noong 22:56, 9 Pebrero 2018

Patungkol Florante at Laura
Pag-Aalay kay Selya
Paliwanag


Ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar (na kilala din bilang Fransisco Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:

"Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong Tagálog."

Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido (corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo.

paksa" Ayon kay Epifanio de los Santos (isang mananalaysay), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

may akda Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang mga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.

Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay:

PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA KAHARIANG ALBANYA. QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA IMPERYO NANG GRESYA At tinula nang isang matouain sa versong tagalog.

Paglalarawan