Munggo Guisado

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 tasa berdeng munggo
3 tasa tubig
1 kutsara mantika
2 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, tinadtad
2 piraso kamatis, tinadtad
1 ½ kilo karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado
2 tasa tubig o sabaw ng baboy
1 kutsara patis
1 kutsarita asin pantimpla
1 tasa dahon ng ampalaya

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluan ang munggo sa 3 tasang tubig hanggang lumambot.
  2. Ligisin (pagpapalambot sa pamamagitan ng pagpirat o pagdurog) ang munggo.
  3. Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  4. Isama ang karne ng baboy.
  5. Ibuhos ang tubig o sabaw ng baboy.
  6. Timplahan ng patis ayon sa panlasa,
  7. Lutuin hanggang lumapot.
  8. Bago alisin sa apoy ay idagdag ang dahon ng ampalaya.