Milk Marinated Fried Chicken

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 kilo manok, hiniwang katamtaman ang laki
1 tasa gatas
1 kutsarita pamintang puti
1 kutsarita asin
1 piraso dahon ng laurel
2 tasa mantikang pamprito
1 tasa harina

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang malaking mangkok, ibabad ang manok sa pinaghalong gatas, paminta, asin at laurel.
  2. Takpan ng plastic wrap at itabi sa repridyerator ng magdamag.
  3. Kinabukasan, patuluin ang manok sa kolander.
  4. Painitin ang mantikang pamprito.
  5. Igulong ang manok sa harina at saka iprito sa mainit na mantika hanggang maluto at pumula.