Mga tauhan ng el filibusterismo

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

El Filibusterismo: Mga Tauhan Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

Mga Tauhan:

Simoun Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay at siya ay si Don Crisostomo Ibarra

Isagani Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino Ang amain ni Isagani

Don Custodio Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Makaraig Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

FB account: https://www.facebook.com/Darryl028