Meat Loaf

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

¼ kilo giniling na baka
¼ kilo giniling na baboy
¼ kilo giniling na taba ng baboy
2 puti ng itlog
3 piraso itlog
¼ kutsarita cardamom
¼ kutsarita cumin
½ tasa tinadtad na sibuyas
¼ kutsarita tinadtad na bawang
1 kutsarita paprika
1 ½ kutsarita asin
1 kutsarita dinurog na pamintang buo
1 tasa tinadtad na taba ng baboy

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin lahat hg mga sangkap maliban sa tinadtad na taba ng baboy.
  2. Haluin maigi at palamigin sa repridyerator ng 20 minuto.
  3. Gilingin sa food processor hanggang pino.
  4. Isama ang taba ng baboy.
  5. Isalin sa loaf pan na pinahiran ng mantika.
  6. Ilutong banyo maria sa oven sa init na 350°F ng 1 hanggang 1 ½ oras.
  7. Palamigin bago baligtarin at hiwain.