Maple Spareribs

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ tasa sabaw ng baboy o manok
¾ tasa maple syrup
¼ kutsarita cayenne pepper
½ kutsara dinikdik na bawang
2 kutsara tomato paste
1 ½ kutsara mustard
2 kutsara katas ng lemon
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
2 ½ kilo tadyang ng baboy

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 400°F.
  2. Paghaluin lahat ng mga sangkap maliban sa tadyang.
  3. Haluing maigi.
  4. Tanggalan ng sobrang taba ang tadyang at hatiin sa dalawa.
  5. Iayos sa isang baking pan at isalang sa oven ng 30 minuto.
  6. Ilabas mula sa oven at tanggalin ang pinagmantikaan.
  7. Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa tadyang.
  8. Ibaba ang init ng oven sa 350°F.
  9. Hayaang maluto ang tadyang.
  10. Maya't-maya ay pahiran ng sarsa ang ibabaw ng mga tadyang.
  11. Lutuin hanggang lumambot.