Mango Chutney

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

6 piraso manggang hilaw, hiniwa
1 tasa suka
1 kilo asukal na pula
½ kutsarita asin
2 katamtamang laki siling berde, hiniwang pahaba
2 katamtamang laki siling pula, hiniwang pahaba
2 piraso siling haba, hiniwang pahaba
1 ulo bawang , tinadtad
1 katamtamang laki luya, hiniwang pahaba
20 piraso sibuyas tagalog, hinati
½ tasa pasas

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sukatin ang mangga.
  2. Sa bawat tasa ng mangga, maghanda ng ¼ tasa ng suka, 1 tasa ng asukal na pula at 1 kutsarita ng asin.
  3. Pakuluin ito hanggang lumapot.
  4. Ihalo ang mangga, sili, bawang, luya at sibuyas.
  5. Lutuin nang 10 minuto o hanggang maging makunat-kunat ang mangga.
  6. Isama ang pasas.
  7. Isalin sa mga boteng malinis.
  8. Alisin ang mga bula at takpan.