Maja de Ube

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

3 tasa gata ng niyog, walang tubig
1 tasa sariwang gatas
1 tasa gatas na ebaporada
1 tasa tubig
5 piraso dahon ng pandan
2 tasa puting asukal
4 tasa ube, binalatan, pinakuluan at dinurog ng pino
1 kutsara asin
¼ tasa mantikilya
¾ tasa cornstarch

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Haluing maigi ang lahat ng sangkap sa kawa. Siguraduhin na walang bukol ang masa. Iluto sa katamtamang lakas ng apoy.
  2. Hinaan ang apoy kapag ang maja ay nagsimulang kumulo.
  3. Haluin ng tuloy-tuloy upang hindi masunog. Kapag ito ay magsimulang kuminang, ang maja ay luto na.
  4. Ilipat agad sa isang hulmahan. Alisin ang dahon ng pandan.
  5. Hiwain at ihain ng malamig. Lagyan ng tustadong kindkid na niyog.