Lumpiang Sariwa

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

Palaman[baguhin]

¼ tasa mantika
1 kutsara tinadtad na bawang
½ tasa sibuyas, tinadtad
¼ kilo giniling na baboy
2 tasa toge
1 tasa karots, hiniwang makitid at mahaba
1 tasa repolyo, ginayat
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
1 kutsarita asukal pantimpla

Lumpia wrapper[baguhin]

1 piraso itlog
1 ½ tasa tubig
1 kutsarita asin
1 kutsarita mantika
1 tasa sinalang arina

Sarsa[baguhin]

2 tasa tubig o sabaw ng gulay
½ tasa pulang asukal
3 kutsara toyo
1 kutsarita asin
3 kutsara cornstarch
3 kutsara tubig
3 kutsara dinikdik na bawang, pinirito

Paraan ng pagluto[baguhin]

Palaman[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Idagdag ang giniling na baboy at lutuin ng ilang minuto.
  3. Isama ang mga gulay.
  4. Timplahan ng asin, paminta at asukal ayon sa panlasa.

Lumpia wrapper[baguhin]

  1. Batihin ng bahagya ang itlog.
  2. Idagdag ang tubig, asin at mantika.
  3. Ibuhos ng dahan-dahan ang arina at batihin hanggang maging pino. Ito ang ating batter.
  4. Salain.
  5. Pahiran ng kaunting mantika ang teflon pan.
  6. Kapag mainit na ay magbuhos ng 2 kutsara ng batter.
  7. Hayaang kumalat hanggang matakpan nang buo ang kawali.
  8. Kapag humiwalay na ang mga gilid ay alisin na ang pambalot.
  9. Gawin ito para sa lahat ng batter.
  10. Itabi ang mga nalutong pambalot.

Sarsa[baguhin]

  1. Pag-arnibalin (caramel) ang asukal.
  2. Tunawin ang cornstarch sa 3 kutsara ng tubig. Ibuhos.
  3. Idagdag ang nalalabing mga sangkap maliban sa bawang.
  4. Lutuin hanggang lumapot.
  5. Isalin sa maliit na mangkok at ibudbod ang bawang.

Paghanda[baguhin]

  1. Maglatag ng isang pambalot sa isang pinggan.
  2. Maglagay ng 3 kutsara ng palaman sa gitna.
  3. Balutin.
  4. Dampian ng tubig o binating itlog para magsara.
  5. Ihain kasama ng sarsa.