Lumpia Supremo

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa giniling na baboy
1 kutsara berdeng sibuyas, ginayat na pino
½ tasa giniling na kabute
½ kutsarita asin pampalasa
1 lata tomato sauce
3 piraso pambalot ng lumpia
6 piraso maliliit na sibuyas
1 kutsara siling berde, hinati-hating kuadrado
1 tasa dinurog na tostadong tinapay (bread crumbs)

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pagsama-samahin ang giniling, berdeng sibuyas, ilang kabute, sili, at asin.
  2. Hatiin sa dalawa ang mga pambalot ng lumpia.
  3. Balutan ng pambalot ang tinimplang giniling na may isang centimetro ang diametro.
  4. Putulin sa 2 pulgada ang haba.
  5. Ilubog ang magkabilang dulo sa itlog pagkatapos ay sa dinurog na tinapay at iprito.
  6. Alisan ng balat ang sibuyas.
  7. Igisa sa 1 kutsarang mantika ang siling berde.
  8. Idagdag ang tomato sauce at kaunting asin para magkalasa.
  9. Ayusin ang mga lumpia sa isang lanerang lutuan na may pagitang sibuyas.
  10. Buhusan ng Ketchup.
  11. Ihurno ng 10 minuto at ihaing mainit.