Lobster Newberg

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 kilo laman ng ulang, hiniwang pakuwadrado
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
¼ tasa katas ng lemon
¼ tasa clarified butter
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa white wine
2 tasa fish veloute
½ tasa cream
5 pula ng itlog
½ tasa tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang laman ng ulang ng asin, paminta at katas ng lemon.
  2. Painitin ang clarified butter at lutuin ang ulang.
  3. Isalin sa pinggan.
  4. Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
  5. Idagdag ang white wine at lutuin hanggang mangalahati.
  6. Isama ang veloute at nalutong ulang.
  7. Lutuin ng 5 minuto sa mahinang apoy.
  8. Paghaluin ang cream at mga pula ng itlog.
  9. Ihalo sa niluluto.
  10. Painitin ng hindi pinakukulo.
  11. Timplahan.
  12. Paibabawan ng tinadtad na parsley.