Lentil Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 tasa lentils
1 kutsara mantika
1 kutsarita tinadtad na bawang
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 tasa tinadtad na kamatis (binanlian, binalatan at tinanggalan ng buto)
¾ tasa tinadtad na bacon
1 tasa tinadtad na celery
10 tasa sabaw ng manok
1 dahon laurel
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hugasan ang lentils at patuluin.
  2. Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at bacon.
  3. Sangkutsahin.
  4. Ihalo ang celery, lentils, sabaw ng manok at laurel.
  5. Pakuluin.
  6. Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang lentils.
  7. Timplahan.