Lechong Manok

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search


Sangkap[baguhin]

2 buo manok (mga 850 grams bawat isa)

Marinade[baguhin]

3 piraso kalamansi
¼ tasa honey o pulot
¼ tasa patis
2 kutsara asin
2 kutsara liquid seasoning
1 kutsarita paminta

Sarsa[baguhin]

¼ kilo atay ng baboy, inihaw at tinadtad
1 tasa tinadtad oa sibuyas
¼ kilo asukal na pula
1 ¼ tasa asin
1 kutsara paminta
3 tasa tubig
1 tasa sukang puti
1 ½ tasa bread crumbs
1 kutsara pinapulang bawang

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang manok sa marinade nang isang oras o magdamag.
  2. Iluto sa turbo broiler o hurnuhin sa oven sa init na 300°F nang 30 minuto.
  3. Baligtarin ang manok at itaas ang temperatura sa 350°F.
  4. Lutuin hanggang lumambot at wala ng dugong lumalabas kapag tinusok nang tinidor.

Para sa paghahanda ng sarsa[baguhin]

  1. Pagsamahin ang atay, sibuyas, asukal, asin, paminta, tubig at suka sa kaserola.
  2. Pakuluin.
  3. Timplahan ayon sa panlasa.
  4. Idagdag ang breadcrumbs at batihin sa pamamagitan ng wire whisk para mawala ang buo-buo.
  5. Palaputin.
  6. Isalin sa mangkok at budburan ng bawang.
  7. Ihain kasama ng lechon manok.