Kutsinta

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa harina
1 tasa pulang asukal
2 tasa tubig
1 kutsarita lihiya
1 kutsarita atsuete
1 kutsarita yellow food color (kung nais)

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Lagyan ng tubig hanggang kalahati ang pasingawan 1 at pakuluin.
  2. Sa isang mangkok, paghaluin ang mga sangkap, kasama ang 2 tasang tubig.
  3. Haluin ng mabuti.
  4. Salain.
  5. Punuin ang bawat butas ng muffin pan.
  6. Pasingawan nang 10 hanggang 20 minuto.
  7. Palamigin bago alisin sa pan.
  8. Ihain kasama ng ginadgad na niyog.

1 - maari rin gamitin ang banyo maria sa oven. Ang banyo maria ay ang paghurno na kung saan ang lulutuin ay ipapatong muna sa tray na may tubig bago ipasok sa oven.