Kilawin na Baboy at Atay

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo baboy
1 kilo atay ng baboy
2 tasa suka
1 kutsarita asin
1 kutsarita pamintang durog
¼ tasa mantika
1 piraso sibuyas, tinadtad
1 ulo bawang, pinitpit
1 tasa prinitong bawang

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hiwain ang baboy at atay ng pahaba.
  2. Ilagay sa malaking baking dish.
  3. Idagdag ang suka, asin, paminta.
  4. Ibabad ng 30 minuto.
  5. Patuluin ang baboy at atay at itabi ang pinagbabaran.
  6. Painitin ang mantika sa kawali.
  7. Idagdag ang baboy at atay ng salit-salit at igisa hanggang maluto.
  8. Ilagay sa isang tabi.
  9. Igisa ang sibuyas at bawang.
  10. Idagdag ang pinagbabaran at karne.
  11. Pakuluin, takpan at pakuluan ng 15-25 minuto o hanggang maluto.
  12. Palamutian ng prinitong bawang.