Jardinera

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 buo dahon ng saging
4 kutsara mantikilya
4 butil bawang, tinadtad
1 piraso malaking sibuyas, tinadtad
½ kutsarita paminta
1 kilo karne ng baboy, nilaga at hiniwang pakuwadrado
¼ kilo atay ng manok, niluto at hiniwang pakuwadrado
4 piraso hotdog, hiniwang pakuwadrado
1 piraso chorizo bilbao, hiniwang pakuwadrado
1 tasa tomato sauce
1 tasa ginadgad na keso
½ tasa pasas
2 tasa pinatulong pineapple tidbits
1 tasa tinatad na pickles
2 tasa sabaw
1 tasa breadcrumbs
1 tasa arina
1 piraso nilagang itlog, hiniwa
1 piraso siling pula, hiniwang pahaba
2 piraso hotdog, hiniwang pahilis
2 piraso itlog

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pahiran ng mantika ang 2 loafpans.
  2. Sapinan ng nilantang dahon ng saging.
  3. Sa kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Isama ang paminta, karne, atay, hotdog, chorizo, tomato sauce, keso, pasas, pinya, pickles at sabaw.
  5. Pakuluin at lutuin ng 20 minuto.
  6. Palaputin ng breadcrumbs at arina.
  7. Iayos ang hiniwang nilagang itlog, sili at hotdog sa dalawang loafpans.
  8. Batihin isa-isa ang itlog at ibubos sa mga pan.
  9. Hatiin ang nilutong karne at ilagay sa mga pan.
  10. Takpan ng aluminum foil o dahon ng saging.
  11. Ihurno sa oven sa init na 375°F o pasingawan nang 30-40 minuto.
  12. Palamigin at baligtarin sa bandehado.