Humba

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kilo liempo ng baboy, hiniwang pakuwadrado
1 tasa suka
tasa toyo
1 kutsarita dinikdik na bawang
¼ kutsarita oregano
½ tasa asukal
1 kutsarita pamintang buo, dinurog
1 kutsarita asin
1 dahon laurel
2 tasa tubig
2 piraso tahure, niligis
½ tasa tinadtad na tustadong mani

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa kaserola, ibabad ang liempo sa suka, toyo, bawang, oregano, asukal, paminta, asin at laurel nang 2 oras.
  2. Magdagdag ng sapat na tubig para maluto ang baboy.
  3. Lutuin hanggang lumambot.
  4. Isama ang tahure at mani at lutuin hanggang lumapot ang sarsa.