Hot and Sour Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa tengang daga
4 piraso tuyong shiitake mushroom
1 tasa hiniwang pitso ng manok
1 kutsara cornstarch
1 kutsarita asin
1 kutsarita asukal
6 tasa sabaw ng manok
2 kutsara sukang puti
1 kutsara toyo
1 tasa ginayat na bamboo shoot
½ tasa ginayat na hamon
½ tasa cornstarch na tinunaw sa
½ tasa tubig
1 piraso tokwa, hiniwang pahaba
2 piraso itlog
1 kutsarita chili sauce
2 kutsara tinadtad na sibuyas na mura
1 kutsarita sesame oil

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang tengang daga at shiitake mushroom sa tubig hanggang lumambot.
  2. Patuluin at hiwaing pahaba.
  3. Paghaluin ang manok, cornstarch, asin at asukal.
  4. Itabi pansamantala.
  5. Sa kaserola, ilagay ang sabaw ng manok, suka at toyo.
  6. Pakuluin at idagdag ang manok, bamboo shoots, hamon at mga mushroom.
  7. Takpan at hayaang maluto.
  8. Ihalo ang tinunaw na cornstarch at tofu.
  9. Batihin ang mga itlog at dahan-dahang ibuhos sa mainit na sabaw habang hinahalo ng tinidor.
  10. Isama ang chili sauce, sibuyas na mura at sesame oil.
  11. Timplahan ayon sa panlasa.