Honey Custard

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

4 pula ng itlog
4 piraso itlog
1 tasa honey
¼ kutsarita asin
3 tasa pinainit na gatas
1 kutsarita vanilla
½ kutsara nutmeg
½ tasa asukal pang-arnibal

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang mangkok, batihin ang pula ng itlog, buong itlog, honey at asin.
  2. Dahan-dahang ibuhos ang mainit na gatas habang tuloy-tuloy na hinahalo.
  3. Idagdag ang vanilla at nutmeg.
  4. Iwasang maging mabula ang pinaghalong sangkap.
  5. Isantabi.
  6. Arnibalin ang asukal sa dalawang maliit na lyanera.
  7. Ibuhos ang pinaghalong sangkap.
  8. Lutuing banyo maria sa oven na pinainit sa 350°F hanggang mabuo, mga 30-35 minuto.