Hash Brown Potatoes

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ kilo patatas, nilagang may balat
1 kutsara mantika
¾ tasa hiniwang bacon
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
2 kutsara nutmeg


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Balatan ang patatas at gadgarin sa malalaking butas ng gadgaran.
  2. Itabi muna sa repridyerator.
  3. Sa kawali, painitin ang mantika at iprito ang bacon hanggang lumutong.
  4. Idagdag ang sibuyas.
  5. Lutuin hanggang lumambot. Patuluin.
  6. Ihalo ang ginadgad na patatas.
  7. Timplahan ayon sa panlasa.
  8. Haluing maigi hago ihugis na patties.
  9. Prituhing isa-isa sa mainit na mantika hanggang pumula.