Grilled Pork Chops with Applesauce

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

10 piraso pork chop
2 kutsara rosemary
2 kutsara tinadtad na bawang
1 piraso dahon ng laurel, dinurog
1 kutsara dinurog na pamintang buo
½ tasa olive oil
½ kutsarita asin
1 tasa applesauce


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pahiran ang mga pork chops ng rosemary, bawang, laurel at paminta.
  2. layos sa baking pan.
  3. Ibuhos ang olive oil sa ibabaw.
  4. Takpan ng plastic wrap o aluminum foil at ibabad ng magdamag sa repridyerator.
  5. Patuluin ang mga pork chops.
  6. Timplahan ng asin.
  7. Ibuhos ang pinagtuluang olive oil sa kawali o grill.
  8. Papulahin ang pork chops hanggang maluto.
  9. Ihain na may kasamang applesauce.