Ginataang Langka

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 tasa hilaw na hinimay
1 buo puso ng saging, hinimay
1 buo bawang, pinitpit
2 piraso siling labuyo
2 katamtamang laki niyog, kinudkod
1 tasa tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Lagyan ng kaunting tubig ang kinudkod na niyog sa palanggana, lamasin at pigain at itabi ang kakang gata.
  2. Kunin uli ang katas ng niyog hanggang pangatlo.
  3. Ilagay sa kaldero ang mga gata (pangalawa at pangatlo) at pakuluan.
  4. Halu-haluin hanggang sa kumulo muli.
  5. Matapos kumulo ng 1 minuto, ihulog ang langka, bawang at isunod ang puso ng saging at kakang gata ng niyog.
  6. Huwag titimplahan ng asin hangga't titikman kung kulang ang alat.
  7. Pag malapot-lapot na at luto na ang langka, timplahan ng siling labuyo at patayin ang apoy.