Ginataang Gulay

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kutsara mantika
½ kutsarita tinadtad na bawang
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 tasa gata
½ piraso maliit na kalabasa, hiniwang pakuwadrado
1 tali sitaw, pinutok ng 1" ang haba
1 kutsarita asin pantimpla
1 kutsarita paminta pantimpla
3 piraso siling labuyo

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ibuhos ang gata. Hayaang uminit nang hindi kumukulo.
  3. Idagdag ang kalabasa at sitaw.
  4. Timplahan ayon sa panlasa.
  5. Idagdag ang siling labuyo kung nais na maanghang.
  6. Hayaang maluto ang mga gulay.
  7. Ihanda kaagad